Presidential Spokesperson Harry Roque nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si Presidential Spokesperson Harry Roque.
Kinumpirma ito ni Roque matapos makuha ang resulta ng kaniyang swab test alas 11:29 ng umaga ng Lunes, March 15.
Ayon ay Roque, Linggo nang sumailalim siya sa swab test bilang bahagi ng protocol bago ang nakatakdang pulong kasama si Pangulong Duterte.
Hiniling naman ni Roque sa mga nagkaroon ng direktang contact sa kaniya na sumailalim sa quarantine.
Nitong nagdaang mga araw ay sunnud-sunod ang pagdalo sa mga public event ni Roque.