Malaking bahagi bansa uulanin ngayong araw dahil sa LPA

Malaking bahagi bansa uulanin ngayong araw dahil sa LPA

Makararanas ng pag-ulan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa dahil sa Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 80 kilometers Southeast ng HInatuan, Surigao del Sur.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong Biyernes (March 12) ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang buong Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Bicol Region, MIMAROPA, at CALABARZON.

Bahagyang maulap na papawirin naman na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa Amihan.

Habang sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay localized thunderstorm lamang ang iiral.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *