Food boxes ipinamahagi sa mga barangay na sakop ng lockdown sa Maynila
Sinimulan na ang pamamahagi ng food boxes para sa mga pamilyang apektado ng lockdown sa ilang barangay sa Maynila.
Dalawang barangay at dalawang hotel ang sakop ng apat na araw na lockdown.
Ang mga pamilyang apektado ng lockdown ay pinagkalooban ng food boxes sa ilalim ng COVID-19 Food Security Program (FSP) ng pamahalaang lungsod.
Bawat food box ay naglalaman ng tatlong kilo ng bigas, 16 na piraso ng de lata, at along sachet ng kape.
Ang barangay 351 at 725 gayundin ang Malate Bayview Mansion at Hop Inn Hotel ay isinailalim sa lockdown dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.