Pasok sa Korte Suprema suspendido hanggang March 14
Simula ngayong araw March 11 hanggang sa March 14 ay suspendido ang pasok sa Korte Suprema.
Batay ito sa Memorandum Circular na nilagdaan ni Supreme Court Chief Justice Diosdado M. Peralta.
Nakasaad sa memo na sasailalim sa disinfection, cleaning at sanitation ang buong gusali at mga opisina sa SC.
Maari namang magtalaga ng skeletal work force ang mga nasa Medical at Dental Services at ang nasa Security and Maintenance Division, at Office of Administrative Services.
Epektibo sa Lunes, March 15 inatasan din ang lahat ng mga tanggapan sa SC na magtala ng 50 percent ng skeleton force para mapanatili ang physical distancing na 6 feet.