Pag-aresto sa mga lumalabag sa health protocols “anti-poor” ayon kay Sen. Hontiveros

Pag-aresto sa mga lumalabag sa health protocols “anti-poor” ayon kay Sen. Hontiveros

Tinawag na “anti-poor” ni Senator Risa Hontiveros ang mas lalong paghihigpit at pag-aresto sa mga lumalabag sa health protocols.

Tanong ng senador, bakit ang mga mayayayaman hindi ikinukulong kahit sila ay nag-mass gatherings at nag-party?

Sinabi ni Hontiveros na noong March hanggang July 2020 ay umabot sa 76,000 ang nakulong dahil sa paglabag sa health protocols.

Sa kabila nito hindi naman bumaba ang kaso at lalo pang dumami ang mga pasyente ng COVID-19.

Panawagan ni Hontiveros sa mga otoridad, “2021 na” kaya dapat ay ipatupad ang health protocols sa mas makatao at hindi bayolenteng pamamaraan.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *