Pagbabakuna ng AstraZeneca vaccine sa mga healthcare worker sa Caloocan inumpisahan na

Pagbabakuna ng AstraZeneca vaccine sa mga healthcare worker sa Caloocan inumpisahan na

Nagsimula nang magbakuna ng AstraZeneca vaccine sa mga medical staff ng Caloocan City Medical Center (CCMC).

Binibigyan-prayoridad sa bakuna ang mga staff ng ospital na senior citizens at may karamdaman o comorbidity.

Patuloy pa rin naman ang mga nagpapabakuna na mga medical staff ng ospital gamit ang Sinovac vaccine.

Kasabay nito, nagpasalamat si Caloocan City Mayor Oca Malapitan sa pamahalaan sa inilaang mga bakuna para sa mga health worker ng lungsod.

Tinitiyak naman ni Malapitan na sa oras na dumating na ang mga inorder ng mga lokal na pamahalaan na bakuna mula sa AstraZeneca ay kaagad sisimulan ang pagbabakuna sa mga mamamayan ng Caloocan.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *