Mga pamilyang apektado ng lockdown sa Maynila susuplayan ng food box

Mga pamilyang apektado ng lockdown sa Maynila susuplayan ng food box

Iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pamamahagi ng food boxes sa dalawang barangay at dalawang hotel sa lungsod na nakasailalim sa lockdown.

Ang direktiba ay batay sa COVID-19 Food Security Program (FSP) ng pamahalaang lungsod.

Ayon kay Moreno, mamamahagi ng food boxes sa 1,019 na pamilya sa in Barangay 351; 1,109 na pamilya sa Barangay 699; at 169 na pamilya sa Barangay 725.

Bawat food box ay naglalaman ng tatlong kilo ng bigas, 16 na piraso ng de lata, at along sachet ng kape.

Ang dalawang barangay 351 at 725 gayundin ang Malate Bayview Mansion at Hop Inn Hotel ay isinailalim sa lockdown dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *