15 pang Pinoy sa ibang bansa nagpositibo sa COVID-19

15 pang Pinoy sa ibang bansa nagpositibo sa COVID-19

Nadagdagan ng 15 pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaa ng COVID-19.

Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) araw ng Martes, March 9, nakapagtala din ng isang Pinoy na nasawi dahil sa naturang sakit.

Sa kabuuan ayon sa DFA, 15,865 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.

Sa naturang bilang, 9,547 na ang gumaling habang 5,277 pa ang sumasailalim sa gamutan.

1,041 naman ang bilang ng mga nasawi.

Pinakamarami pa ring bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 ay sa Middle East / Africa na umabot sa 8,880.

Sumunod ang Asia Pacific Region na mayroong 2,115 cases.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *