Samar governor nanawagan ng imbestigasyon sa pagpatay sa mayor ng Calbayog City

Samar governor nanawagan ng imbestigasyon sa pagpatay sa mayor ng Calbayog City

Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte si Samar Governor Michael Tan na atasan ang Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang kaso pananabang kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.

Sa pahayag, nagpaabot din ng pakikiramay si Tan sa mga naulila ng alkalde.

Sinabi ni Tan na ang pamahalaang panlalawigan ay kaisa ng mga mamamayan ng Calbayog sa pagkondena sa nangyari.

Pakiusap ni Tan kay Pangulong Duterte, atasan ang DOJ para magpadala ng mga imbestigador sa Calbayog upang magsagawa ng imbestigasyon.

Pinaiimbestigahan din ni Tan ang aniya ay serye ng patayan na nangyayaro sa Calbayog at sa iba pang bahagi ng 1st District ng Samar.

Bilang pakikiramay ay inilagay na sa half mast ang watawat ng Pilipinas sa grounds ng provincial government ng Samar.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *