Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 31,465 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 34,139 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ngayong Martes, March 9.
Samantala, nasa 1,816 o katumbas ng limang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
31,465 o 92 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 858 o tatlong porsyento ang nasawi.