Batanes inumpisahan na ang pagbabakuna laban sa COVID-19
Nagsimula na ang COVID Vaccination program sa lalawigan ng Batanes.
Mayroong 278 vaccines ng Sinovac ang natanggap ng Batanes mula sa Department of Health (DOH).
Ito ay para sa mga staff ng Batanes General Hospital, Itbayat District Hospital at mga frontliner na nakatalaga sa Quarantine Facilities sa lalawigan.
Kauna-unahang tumanggap ng bakuna sa Batanes si Dr. Jeffrey Canceran, Chief of Hospital ng BGH.
Ang symbolic ceremony ay sinaksihan ng mga DOH personnel at ni Gov. Marilou H. Cayco.