COVID-19 cases sa Justice Jose Abad Santos General Hospital tumaas; OPD ng ospital sarado muna

COVID-19 cases sa Justice Jose Abad Santos General Hospital tumaas; OPD ng ospital sarado muna

Pansamantalang isasara ang Outpatient Clinics (OPD) ng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) simula ngayong araw, March 8.

Ito’y dahil sa biglaang ‘surge’ o pagdami ng kaso ng COVID-19 sa ospital.

“Pansamantalang magsasara ang Outpatient Clinics (OPD) ng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) simula ngayong araw, ika-8 ng Marso. Ito’y dahil sa biglaang ‘surge’ o pagdami ng kaso ng COVID-19 sa ospital,” nakasaad sa abiso.

Batay sa abiso, lahat ng naka-schedule magpatingin sa OPD ay hinihikayat na magkonsulta muna sa JJASGH TELEMEDICINE.

Ito ay para maiwasan ang lalo pang pagkalat at pagkahawa sa COVID-19.

Muling maglalabas ng abiso ang ospital kung kailan muling magbubukas ang OPD nito.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *