Alert Level 1 itinaas sa Mt. Pinatubo – Phivolcs
Mula sa Alert Level 0 o normal status ay itinaas ng Phivolcs ang Alert Level 1 sa Mt. Pinatubo.
Ang Alert Level 1 ay nangangahulugang mayroong low-level unrest sa bulkan.
Sa inilabas na Pinatubo Volcano Bulletin ng Phivolcs alas 7:00 ng umaga ngayong Huwebes (March 4), nakapagtatala ng patuloy na seismic activity sa bulkan.
Sa ilalim ng Alert Level 1, ang pagpasok sa Pinatubo Crater area ay dapat iwasan.
Ang komunidad at lokal na pamahalaan ay pinapaalalahanan na laging maging handa sa volcanic earthquake at volcanic hazards.