Pag-iral ng number coding suspendido pa rin ngayong buwan ng Marso – MMDA
Mananatiling suspendido ang number coding scheme na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong buwan ng Marso.
Ayon sa MMDA bunsod ito ng patuloy na pagpapairal ng general community quarantine (GCQ) status sa Metro Manila.
Maliban dito sinabi ng MMDA na isinasaayos pa din ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan.
Samantala, sa Makati City, patuloy naman ang pag-iral ng modified number coding.
Exempted sa number coding ang mga sasakyan na mayroong higit sa dalawang sakay.