Halaga ng pinsala ng panalalasa ng Bagyong Auring umabot na sa mahigit P100M
Umabot na sa mahigit P100 milyon ang halaga ng pinsala na iniwan ng Bagyong Auring.
Sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Disaster and Management Council (NDRRMC), umabot sa kabuuan ng P79,383,663 ang halaga ng pinsala sa agrikultura.
Kabilang sa mga napinsala ay ang mga pananim sa Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Dinagat Islands, Surigao Del Norte at Surigao Del Sur.
Samantala, umabot naman sa P23,600,000 ang halaga ng pinsala sa imprastraktura.
Kabilang sa napinsala ay mga paaralan sa Sorsogon, Leyte, at Surigao City.
Habang mayroong namang Barangay Health Station na napinsala ilang lugar sa Surigao del Sur.