NBI iimbestigahan ang PNP-PDEA misencounter

NBI iimbestigahan ang PNP-PDEA misencounter

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon sa nangyaring misencounter sa Commonwealth Avenue, Quezon City Miyerkules (Feb. 24) ng gabi.

Nangyari ang engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng PDEA at QCPD na kapwa nagsasabing may lehitimo silang anti-drug operation sa naturang lugar.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, mahalagang magkaroon ng hiwalay na pagsisiyasat ang NBI.

Una nang sinabing PNP at PDEA na may bubuuing ad hoc joint PNP-PDEA board of inquiry.

Wala namang ibinigay na deadline si Guevarra sa NBI sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *