Matapos umuwi ng Pilipinas para lumahok sana sa laban ng Gilas sa FIBA; Kai Sotto hindi na makababalik sa Ignite ng NBA G-League

Matapos umuwi ng Pilipinas para lumahok sana sa laban ng Gilas sa FIBA; Kai Sotto hindi na makababalik sa Ignite ng NBA G-League

Kumpirmado nang hindi makababalik sa Ignite ng NBA G-League si Kai Sotto.

Pormal itong inanunsyo ng NBA G-League sa pamamagitan ng isang pahayag.

Ayon kay NBA G-League President Shareef Abdur-Rahim, nang umuwi ng Pilipinas si Sotto, kapwa nauunawaan ng magkabilang panig ang challenges ng kaniyang pag-uwi at muling pagbalik sa Ignite.

Bunsod ito ng mga kasalukuyang international travel constraints, quarantine times at health and safety protocols na ipinatutupad.

Nakasaad din sa pahayag na “mutual decision” sa magkabilang panig ang hindi na pag re-join ni Sotto sa Ignite.

Sinabi ng G-League na patuloy na magiging bahagi ng extended Ignite family si Sotto at hiling nila ang tagumpay nito sa kaniyang pangarap na makalaro sa NBA.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *