Bilang ng mga pasaherong na-stranded dahil sa bagyong Auring nabawasan na

Bilang ng mga pasaherong na-stranded dahil sa bagyong Auring nabawasan na

Bumaba na ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan bunsod ng epekto ng dating bagyong Auring.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) may mangilan-ngilang pasahero na lamang ang stranded sa mga pantalan sa Bicol at Southern Tagalog.

Sa inilabas na Maritime Safety Advisory ng Coast Guard as of 4:00AM ngayong Martes, February 23, sa mga pantalan sa Bicol Region, mayroong 12 pasahero, driver at helpers na stranded.

Mayroon ding 3 barko pa at 7 rolling cargoes ang stranded at hindi pa nakabibiyahe.

Sa mga pantalan sa Southern Tagalog naman, 6 na pasahero, drivers at helpers na lamang ang stranded.

Mayroon ding stranded na isang barko, 11 rolling cargoes at 1 motorbanca.

Habang 25 barko at 33 motorbancas ang pansamantalang humimpil sa ligtas na lugar at hindi muna bumiyahe.

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *