Tropical Depression Auring tatama sa kalupaan ng Eastern Samar sa susunod na mga oras; posibleng humina pa at maging LPA na lang
Sa susunod na mga oras ay tatama sa kalupaan ng Eastern Samar ang Tropical Depression Auring.
Ayon sa PAGASA, posible ding humina pa ang bagyo at maging isang Low Pressure Area na lamang.
Huli itong namataan sa layong 205 kilometers East Northeast ng Maasin City, Southern Leyte o sa layong 85 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong North Northwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
LUSON:
– Sorsogon
– Masbate including Ticao and Burias Islands
– Albay
– Catanduanes
– eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Sagnay, Buhi, Iriga City, Nabua, Bato, Balatan)
VISAYAS
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– northern portion ng Cebu (Balamban, Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Consolacion, Liloan, Compostela, Asturias, Danao City, Carmen, Catmon, Sogod, Tuburan, Borbon, San Remigio, Tabuelan, Tabogon, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
– northern portion ng Negros Occidental (Enrique B. Magalona, Victorias City, Manapla, Cadiz City, Sagay City, Toboso, Escalante City, Calatrava)
– eastern portion ng Capiz (Cuartero, Dumarao, Ma-Ayon, Pontevedra, Panay, President Roxas, Panitan, Dao, Pilar)
– eastern portion of Iloilo (Lemery, Ajuy, Sara, Concepcion, San Dionisio, Batad, Estancia, Balasan, Carles, San Rafael, Passi City, Barotac Viejo, Banate, San Enrique)
MINDANAO
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte
Ngayong araw, mahhahatid ang bagyong Auring ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Marinduque, Romblon, at Quezon.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan naman sa Aurora nalalabing bahagi ng Visayas, MIMAROPA, at CALABARZON.
Bukas, makararanas ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa CALABARZON, MIMAROPA, Metro Manila, Camarines Norte, Bulacan, Aurora, Isabela, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, at sa Batanes.