Mabilis na procurement ng COVID-19 vaccines ng LGUs, indemnification fund para sa bakuna suportado ni Sen. Bong Go
Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go bilang co-sponsor ang Senate Bill 2057 na layong pabilisin ang proseso ng pagbili ng COVID-19 vaccines ng mga local government units.
Kabilang dito ang pagkakaroon nila ng advance payments sa bakuna.
“It is my honor to co-sponsor the COVID-19 Vaccination Program Bill to expedite the procurement of COVID-19 vaccines,” ayon kay Go sa idinaos na regular session ng Senado.
Ayon kay Senator Sonny Angara na sponsor din ng panukala, sa ilalim nito ay binibigyang kapangyarihan ang Department of Health at ang National Task Force Against COVID-19 na magsagawa ng “negotiated procurement” ng COVID-19 vaccines at ancillary supplies, at iba pang kailangan para sa storage, transport, at distribusyon nito.
Pinapayagan din ang mga LGU na bumili ng sarili nilang bakuna na maari nilang bayaran ng advance ng hindi lalagpas sa 50% ng contract price.
Ayon kay Go, malaking bahagay ang inisyatibo ng mga lokal na pamahalaan sa pag-secure ng bakuna para sa kanilang mga constituent.
“Malaki po ang pasasalamat ko sa ating mga LGUs sa kanilang inisyatibo sa pag-secure ng vaccines para sa kanilang constituents. The national government must work hand-in-hand with our LGUs because despite the national government’s own tireless efforts, we cannot do this alone. We need to be united amid these challenges,” ayon kay Senator Go.
Maituturing aniyang “bayanihan” ang pagkilos ng mag LGU partikular ang pagpasok sa tripartite agreements sa national government at vaccine manufacturers upang matiyak ang mabilis na pagroll-out ng bakuna sa sandaling dumating ang mga ito.
Sa ilalim ng SB 2057 ipinapanukala din ang pagbuo ng COVID-19 National Vaccine Indemnity Fund. Ang Philippine Health Insurance Corporation ang mangunguna dito at ang pondo ay kukuhanin sa Contingent Fund ng 2021 national budget.
Sa ilalim ng Vaccine Indemnification Fund bibigyang kompensansyon ang vaccine recipients na makararanas ng problema matapos mabakunahan.
“The Vaccine Indemnification Fund is intended to be earmarked exclusively to compensate and indemnify identified vaccine recipients who sustain injury in connection with the use of the vaccines and where the adverse effects may be attributed to the vaccination,” ayon pa kay Go.
Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na lahat ng vaccine manufacturers ay mayroong required na indemnity at liability frameworks, kabilang nga ang pagkakaroon ng indemnification fund.
“Kaya suportado ko ang panukala hinggil dito para maging mas handa tayo sa kung meron mang hindi kanais-nais na epekto sa tao ang paggamit ng COVID-19 (vaccine). Importante na maisabatas ito dahil malaking parte ito ng ating National COVID-19 Vaccine Roadmap at kailangan ito upang tuloy-tuloy na ang pag-roll-out ng mga bakuna sa ating bansa,” paliwanag ni Go.
Co-author din ng naturang panukalang batas sina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, at Senators Imee Marcos, Grace Poe, Pia Cayetano, Bong Revilla Jr, Francis Tolentino, Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Cynthia Villar, Risa Hontiveros, Francis Pangilinan, Manny Pacquiao, Joel Villanueva at Richard Gordon.
Ang principal sponsor ay si Senate Committee on Finance Chair Angara.
Ppinapuriha naman ni Go ang pagkakaroon ng probisyon sa Committee Report na nag-waive na ng requirement para sa Phase 4 trials ng COVID-19 medication at vaccine.
“The provision under Bayanihan 2 is due to expire next month which is why this provision is needed to cover the ongoing procurement of vaccines,” ayon pa sa senador.
Ang Health Technology Assessment Council ay binibigyan na ng otorisasyon para magbigay ng rekomendasyon sa DOH at sa PhilHealth tungkol sa COVID-19 vaccines batay sa preliminary data na nakuha mula sa isinagawang Phase 3 clinical trials at mula sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO).
“I just want to underscore that to ensure safety, there must be an Emergency Use Authorization from the Food and Drug Administration,” ani Go.
Malaki na aniya ang epekto sa ekonomiya ng bansa ng nararanasang pandemya base na rin sa rekord ng National Economic and Development Authority kaya importanteng magkaroon na ng bakuna.
Ani Go, sa bawat araw ng pag-ral ng GCQ sa ay aabot sa P700 million ang nawawala.
“According to the National Economic and Development Authority or NEDA, reverting to Enhanced Community Quarantine could cost NCR and nearby regions some 2.1 billion pesos in income a day. Meanwhile, every day of General Community Quarantine costs these regions around 700 million pesos in income,” sinabi ni Go.
Sa ngayon ayon kay Go, mahalagang makumbinsi ang sambayanan na magtiwala sa COVID-19 vaccines.
Hindi aniya magiging mabilis ang recovery ng bansa kung ang mga tao ay patuloy na matatakot at hindi magpapabakuna.
“importanteng makuha natin ang kumpyansa ng mga kababayan natin, confidence ng mga kababayan natin, dahil kung makakabili nga tayo ng bakuna pero wala namang magpapaturok, hindi pa rin po tayo makaka-recover sa pandemyang ito,” ayon pa kay Go.