FIBA Asia Cup qualifiers sa Doha, Qatar suspendido na
Sinuspinde ang pagsisimula ng FIBA Asia Cup qualifiers sa Doha, Qatar.
Sa Facebook post ng Gilas Pilipinas, na kasaad na hindi na muna matutuloy ang “Doha bubble” para sa third window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.
Sa ulat ng Saudi Basketball Federation, na isa sa mga nakatakda sanang lumaban sa Qatar, sinuspinde ng international governing body ang laban.
Bunsod ito ng tumataas na kaso ng COVID-19 doon.