Parañaque LGU naglabas ng traffic plan para sa Undas
Inaabisuhan ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque ang publiko kaugnay sa ipapatupad na traffic plan para sa nalalapit na Undas.
Pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang mga motorista at kababayan natin na dadalaw sa mga mahal nila sa buhay sa mga sementeryo sa lungsod.
Partikular na magpapatupad ng traffic plan sa Parañaque Public Cemetery.
Pinayuhan din ang publiko na agad planuhin ang kanilang biyahe at sumunod sa mga abiso sa trapiko.
Pinag-iingat din ang lahat at maging alerto sa lahat ng oras.
Dalangin ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng Parañaque ang isang mapayapang Undas sa bawat Parañaqueño. (Bhelle Gamboa)
