Las Piñas LGU namahagi ng school supplies sa mahigit 2,000 PWDs
Mahigit 2,000 na persons with disabilities (PWDs) mula sa iba’t ibang barangay sa Las Piñas City ang nakatanggap ng school supplies bilang bahagi ng education assistance ng Pamahalaang Lungsod para sa nasabing sektor na ginanap sa Aguilar Sports Complex.
Pinangunahan ni Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng mga school bag na kumpleto sa gamit upang makabawas sa kanilang gastusin.
Kasama sa mga tumulong sina City Social Welfare and Development Officer (CSWDO) head Ms. Lowefe Romulo at PWD focal person Mr. Ronald Monfero.
Bilang bahagi ng programa sa patuloy na pagsusulong ng oportunidad, hindi tumitigil ang Las Piñas LGU sa paghahatid ng mga programang nagbibigay-suporta para sa mga PWD at kanilang pamilya upang walang Las Piñerong maiiwan sa pag-unlad. (Bhelle Gamboa)
