Programang “Masaganang Buhay” kinilala bilang Child-friendly Program ng NCCT

Programang “Masaganang Buhay” kinilala bilang Child-friendly Program ng NCCT

Ginawaran ng National Council for Children’s Television (NCCT) ang programang Masaganang Buhay bilang “Child-Friendly Television Program” Award dahil sa paghahatid ng “safe, educational, age-appropriate, and values-oriented” na programa sa bansa.

Ang NCCT ay attanched agency ng Department of Education (DepEd) ay nagsabing ang Masaganang Buhay ay napapahong programa na nagtuturo ng Practical tips in Gardening, Farming and Sustainable Living.

Mapapanood ang Masaganang Buhay, hoster by Mer Layson sa OnePH, Cignal TV, Channel 1 at RPTV ng TV-5. Napapanood din ng live sa Youtube at Facebook.

Ayon kay Mer Layson “To God be the Glory” ang papuri at parangal ay kanyang ibinabalik sa Panginoon.

Malugod na nagpapasalamat si Layson sa kanyang pamilya.

Sa lahat ng bumubuo ng Masaganang Buhay sa pangunguna ni Director Bing Cregencia, Icy Padua, Winona Sadia, Lalaine Rebuta, Jinson Ilmeng Batersal Manzano, Chap Suey , Jay-ar Tenorio, Xhy Loreto-Gallardo, Jastine Ronquillo at sa lahat ng staff ng Masaganang Buhay.

Nagpapasalamat din si Layson sa management ng OnePh Cignal TV at RPTV ng TV5.

Nagpapasalamat din si Layson sa lahat ng Followers, Advertisers at sumusuporta sa kanilang programa.

Si Layson ay isang Magsasaka sa Mexico Pampanga, nag-self support student, naging Reporter, Kolumnista at TV Host pero ang kanyang adbokasiya na isulong ang “Organic Farming” ay nanatili saan man siya dalhin ng tadhana.

Si Layson ang isa sa unang nagturo sa Metro Manila ng pagtatanim kahit sa mga bote ng softdrinks, bote ng mineral water, paso, sako, timba at iba pang patapon na bagay.

Ani Layson “Food Security Starts at Home. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *