1.25M pasahero dadagsa sa NAIA ngayong UNDAS2026
Tinatayang aabot sa 1.25 million na mga pasahero ang dadagsang pasahero sa NAIA para sa nalalapit na Undas.
Ayon sa pahayag ng pamunuan ng NAIA, simula ngayong araw, October 28 ay inaasahan na ang dagsa ng mga pasahero na tatagal hanggang sa November 4.
Sa kasagsagan ng peak season, tiniyak ng NAIA ang pagdaragdag ng mga tauhan at pagtatalaga ng mga team para mag monitor ng operasyon 24/7.
Mas pinabuti din ang mga pasilidad upang makatulong na mapadali ang travel experience ng mga pasahero kabilang ang pagkakaroon ng mga self-service kiosks at immigration gates, upgraded flight information displays, mas maayos na terminal access at waiting areas at mas maraming makakainan.
Paalala ng pamunuan ng NAIA sa mga pasahero, bumiyahe ng maaga patungong Paliparan, idouble check ang kanilang terminal, mag-check in na online, at kumpletuhin ang e-travel. (DDC)
