24 na COVID-19 vaccination site sa QC isinailalim na sa inspeksyon
Inumpisahan na ang pag-iinspeksyon ng Quezon City government sa 24 na piling COVID-19 vaccination site sa lungsod.
Tinitiyak ng City Health Department, Zuellig Pharma, kasama ang City Engr. Dept., General Services Department, at IT Development Department na angkop ang mga pasilidad sa vaccination site
Kabilang sa gagawing vaccination site ay mga paaralan na pinakamalapit sa mga health center na mayroong angkop na refrigerator unit para sa mga bakuna.
Ito ay para masiguro na walang masasayang na bakuna at mas madaling maibibiyahe ang mga ito patungo sa mga vaccination site.
Sa ginawang pagtukoy ng vaccination site, isinaalang-alang ng lungsod ang lawak ng lugar, mga bakanteng silid, at kung may maayos itong bentilasyon.