Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 28,496 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 30,412 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ngayong Martes, February 2.
Samantala, nasa 1,108 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
28,496 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 808 o tatlong porsyento ang nasawi.