Mahigpit na health and safety protocols paiiralin sa idaraos na oral arguments sa petisyon laban sa Anti-Terrorism Law

Mahigpit na health and safety protocols paiiralin sa idaraos na oral arguments sa petisyon laban sa Anti-Terrorism Law

Magpapatupad ng mahigpit na precautionary measures ang Korte Suprema sa idaraos na oral arguments ngayong araw sa mga petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng RA 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.

Sa abiso ng SC, ang mga abogado, petitioners at respondents ay inatasang magsumite ng negatibong COVID-19 test para mapayagang makapasok sa SC premises.

Ganundin ang requirement para sa mga miyembro ng media na magco-cover ng oral arguments.

Walong abogado lamang mula sa panig ng petitioners at respondents ang papayagang mag-argue sa loob ng Session Hall.

Paiiralin din ang social distancing sa loob ng session hall at mayroong apat na podiums na may acrylic dividers na gagamitin ng counsels sa paglalahad ng argumento.

Mayroong kabuuang 37 petisyon na kumukwestyon sa nasabing batas.

Ang iba pang mga abogado na hindi makapapasok sa Session Hall ay mananatili sa Division Conference Rooms kung saan mayroong TV monitors para mabantayan nila ang buong oral arguments.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *