Chinse research vessel Jia Geng nakaalis na ng bansa – PCG

Chinse research vessel Jia Geng nakaalis na ng bansa – PCG

Nakaalis na sa karagatan ng Pilipinas ang isang research vessel na pag-aari ng China.

Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Commodore Armand Balilo, alas 6:00 ng umaga ngayong Martes (Feb. 2) nang maglayag palabas ng bansa mula sa Catanduanes ang Chinese Vessel na Jia Geng.

Pinaikutan aniya nila ng isang islander ang barko para matiyak na ito ay dumiretso na palabas ng teritoryo ng bansa.

Magugunitang noong January 29, alas 9:00 ng gabi nang ma-monitor ng Coast Guard Catanduanes ang nasabing barko sa teritoryo ng Pilipinas.

Agad nagsagawa ng inspeksyon sa barko ng China ang mga tauhan ng Coast Guard sa pero tumanggi ang kapitan nito na pasampahin sa kanilang barko ang PCG at ikinatwiran ang health protocol.

Ayon kay Balilo, hindi na nagtungo sa Benham Rise ang barko batay sa track nito. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *