Mandatory na paggamit ng PRN para sa pagbabayad ng loan ipatutupad na ng SSS simula April 1
Simula sa April 1, 2021 ay ipatutupad na ng Social Security System o SSS ang mandatory na paggamit ng Payment Reference Number (PRN) para sa pagbabayad ng loans.
Sa ilalim ito ng Real-Time Processing of Loans (RTPL).
Inilabas ng SSS ang abiso para sa lahat ng employers at mga individual member-borrowers.
Ayon sa SSS, maaring makuha ang PRN sa pamamagitan ng sumusunod na proseso:
– SMS o e-mail notification
– My.SSS registered account
– PRN Loans Inquiry over-the-counter
– Self-Service Express sa mga SSS branch