EO na nagpapataw ng price ceiling sa baboy at manok nilagdaan na ni Pangulong Duterte
Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na nagpapataw ng price ceiling sa produktong baboy at manok.
Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos na imungkahi ng Department of Agriculture na magkaroon ng price ceiling sa manok at baboy dahil sa tumataas na presyo nito.
Batay sa nilagdaang EO, narito ang dapat na presyo ng baboy at manok sa National Capital Region (NCR):
Kasim / Pigue – P270/kilo
Liempo – P300/kilo
Dressed Chicken – P160/kilo
Sinabi ni Roque na hindi pwedeng ibenta ng mas mataas sa nasabing presyo ang mga produkto.
Ang hindi susunod ay maaring mapatawan ng karampatang parusa at kasama ang pagpapasara sa kanilang pwesto. (D. Cargullo)