Mahigit 100 mga dating rebelde na nagbalik-loob sa gobyerno tumanggap ng tulong mula kay Sen. Bong Go

Mahigit 100 mga dating rebelde na nagbalik-loob sa gobyerno tumanggap ng tulong mula kay Sen. Bong Go

Nakatanggap ng tulong mula kay Senator Christopher “Bong” Go ang 118 mga dating rebelde at kanilang pamilya na na nagbalik-loob sa gobyerno sa isinagawang relief activity sa Brgy. Calantiao Gym, Bobon, Northern Samar.

Sa kaniyang video message, tiniyak ni Go na handa sila ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng magbigay ng tulong sa mga rebeldeng nais magbalik-loob at magsimula ng panibagong buhay.

Umapela din si Go ng pagkakaisa ang senador anuman ang political beliefs, lalo na ngayong may nararanasang pandemya ang bansa.

“Kung ano ang aking maitutulong sa inyo at upang maging tulay n’yo rin kay Presidente Duterte….tutulungan namin kayo sa abot ng aming makakaya,” pagtitiyak ng senador.

Ang mga benepisyaryo ay tumanggap ng pagkain, face masks at face shields, medicine packs, at vitamins mula sa senador.

May mga nabigyan din ng bisikleta na kanilang magagamit sa pagtatrabaho.

Habang ang iba ay nabigyan ng tablets para magamit ng kanilang mga anak sa blended learning.

Paalala ng senador sa mga recipient, palagiang sumunod sa health and safety protocols para maiwasan ang paglaganap pa ng COVID-19.

“Sumunod lang po tayo sa mga paalala ng gobyerno para makabalik na tayo sa normal na pamumuhay kung saan pwede po nating mayakap ang ating kapwa Filipino,” ayon sa senador.

May mga kinatawan din mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, and Technical Education and Skills Development Authority na nagsagawa ng assesstment para mabigyan ng iba’tibang uri ng tulong ang mga benepisyaryo.

Sa mga mayroong health concerns at nangangailangan ng medical assistance hinimok ni Go ang mga ito na bisitahin ang Malasakit Center sa kanilang lugar na nasa Northern Samar Provincial Hospital sa Catarman.

Ayon kay Go sa mga dating rebelde na sila ay handang tulungan ng pamahalaan para muling maging produktibong miyembro ng komunidad.

“Minsan lang tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano man kabutihan ang pwede nating gawin sa ating kapwa, gawin na natin ngayon. Basta kami ni Presidente Duterte, patuloy kami na magseserbisyo sa inyo. Ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” ayon kay Go. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *