Mahigit 1,800 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 48 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 1,100 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Biyernes (Enero 29), umabot na sa 521,413 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,849 na dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 475,765 ang gumaling o katumbas ng 91.2 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 177 na gumaling.
35,048 naman ang active cases o katumbas ng 6.7 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 48 pang pumanaw sa sakit.
10,600 ang kabuuang death toll sa bansa o 2.03 percent. (D. Cargullo)