General Tinio U-turn slot isasara ng MMDA simula February 1
Isasara na simula sa February 1 ang General Tinio U-turn slot sa Caloocan City.
Batay ito sa anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ay para matiyak na magtutuluy-tuloy ang biyahe ng mga bus sa ilalim ng EDSA Busway project.
Lahat ng apektadong sasakyan ay maaring dumaan sa Balintawak Cloverleaf (southbound towards northbound) patungo sa kanilang destinasyon. (D. Cargullo)