Travel ban sa 36 na mga bansang may UK variant ng COVID-19 babawiin na ng pamahalaan

Travel ban sa 36 na mga bansang may UK variant ng COVID-19 babawiin na ng pamahalaan

Babawiin na ng gobyerno ang pinaiiral na travel restrictions sa mga dayuhang galing sa 36 na mga bansa na mayroong UK variant ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa January 31 ay tatapusin na ang pag-iral ng travel restrictions at hindi na palalawigin pa.

Wala namang nabanggit si Roque kung may ilalabas na bagong alituntunin o travel orders.

Ayon kay Roque, simula sa Feb. 1 ay papayagan na ang dayuhan mula sa 36 na mga bansang may UK variant na makapasok ng Pilipinas.

Dapat sila ay mayroong pre-booked accommodation sa accredited quarantine hotel.

Dapat din ay sumailalim sila sa COVID-19 testing sa ikaanim na araw ng kanilang quarantine.

Nananatili namang bawal pumasok sa bansa ang mga may hawak lamang na tourist visas.

Magugunitang sa paglaganap ng UK variant ng COVID-19 na mas mabilis makahawa ay nagpatupad ng travel ban ang gobyerno sa mga dayuhang galing sa mga bansang mayroon nang kaso nito.

Tuloy naman ang pagpasok sa bansa ng mga Filipino citizen mula sa mga bansang sakop ng restrictions pero sumasailalim sila sa istriktong quarantine. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *