79 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas; 30 pa ang gumaling
Nakapagtala ng dadgag na 79 na bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Dahil dito, umabot na sa 13,732 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing rehiyon.
Sa naturang bilang 670 o 4.88% ang active cases.
May naitala namang dagdag na 30 pang gumaling sa COVID-19 kaya umabot na sa 12,884 o 93.82% ang total recoveries.
Umabot naman na sa 178 o 1.30% ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19.
Sa buong rehiyon narito ang mga lugar na nakapagtala ng mga bagong kaso:
Leyte – 33
Ormoc City – 15
Tacloban City – 14
Samar – 9
Southern Leyte – 2
Eastern Samar – 4
Northern Samar – 2 (D. Cargullo)