Pangalan ng apat na bagyo na naging mapaminsala noong 2020, hindi na gagamitin ng PAGASA

Pangalan ng apat na bagyo na naging mapaminsala noong 2020, hindi na gagamitin ng PAGASA

Apat na pangalan ng bagyo ang “retired” na o hindi na gagamitin pa ng PAGASA.

Ito ay makaraang maging mapaminsala ang mga ito noong nagdaang taong 2020.

Kabilang sa mga pangalan ng bagyo na ituturing nang “retired” ng PAGASA ang “Ambo”, “Quinta”, “Rolly” at “Ulysses”.

Ang nasabing mga bagyo ay nagdulot ng matinding pinsala noong nagdaang taong 2020 kaya sa taong 2024 ay hindi na sila isasama sa pangalan ng mga tropical cyclone.

Ang pangalan ng bagyo ay isinasailalim sa decommissioning kapag nagdulot ng 300 o higit pang pagkasawi o kaya ay nagdulot ng pinsala na aabot sa mahigit P1 billion ang halaga.

Narito ang kabuuang halaga ng pinsala na natamo ng bansa dahil sa pananalasa ng nasabing mga bagyo:

Ambo (P1.574B)
Quinta (27, deaths, P4.223B)
Rolly (25, deaths, P17.875B)
Ulysses (101 deaths, P20.261B)

Sa taong 2024 ay papalitan ang nasabing mga pangalan ng bagyo ng “Aghon”, “Querubin”, “Romina”, at “Upang”. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *