58 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern VIsayas; 105 pa ang gumaling
Nakapagtala ng dadgag na 58 na bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Dahil dito, umabot na sa 13,553 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing rehiyon.
Sa naturang bilang 567 o 4.18% ang active cases.
May naitala namang dagdag na 105 pang gumaling sa COVID-19 kaya umabot na sa 12,810 o 94.52%.
Nanatili naman sa 176 o 1.30% ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19.
Sa buong rehiyon narito ang mga lugar na nakapagtala ng mga bagong kaso:
Leyte – 15
Ormoc City – 11
Tacloban City – 4
Southern Leyte – 2
Samar – 14
Eastern Samar – 12 (D. Cargullo)