Pagpapawalang bisa sa DND-UP Accord suportado ng Coast Guard
Sinuportahan din ng Philippine Coast Guard ang pasya ng Department of National Defense (DND) na i-terminate na ang 1989 UP-DND accord.
Ayon sa Coast Guard, maaring magbunga ito ng mas matibay at responsableng ugnayan.
Sa pahayag sinabi ng Coast Guard na ang pagpapawalang bisa sa kasunduan ay hindi naman mangangahulugan ng pagtatapos ng responsableng “academic freedom”.
Sinabi ng Coast Guard na magbubukas pa nga ito ng mas maraming oportunidad para sa mas epektibong kolaborasyon sa pagitan ng academe at uniformed services.
Magugunitang umani ng batikos ang pagpapawalang bisa ng DND sa mahigit tatlong dekada nang kasunduan. (D. Cargullo)