Naglutang na mga patay na baboy natagpuan sa dalampasigan ng Naujan

Naglutang na mga patay na baboy natagpuan sa dalampasigan ng Naujan

Ikinagulat ng mga residente at mangingisda sa Naujan, Oriental Mindoro nang matagpuang palutang-lutang ang mga patay na baboy sa laot.

Sa ulat na natanggap ng Provincial Veterinary Office (ProVet), hinihinalang napadpad ang mga ito sa pampang ng baybaying dagat ng Brgy. Estrella ng naturang bayan.

Nakita ang mga patay na baboy alas 11:00 ng umaga ng Lunes (Jan. 25).

Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang mga kinatawan ng Municipal Agriculturist Office (MAGO) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) katuwang ang tanggapan ng PROVET.

Sa ginawang pakikipag-ugnayan ni Naujan Mayor Mark Marcos kay ProVet Representative Dr. Rochelle Boongaling, hinihinalang itinapon diumano ng dumaang barko ang nasabing mga patay na baboy.

Kamakailan ay may parehong insidente na sa karagatan ng Pola kung saan ang mga patay na baboy na natagpuan ay negatibo naman sa African Swine Fever (ASF).

Kaugnay nito, inatasan na ni Governor Bonz Dolor ang PROVET na magbigay ng technical assistance para sa mga kinakailangang gawing hakbang sa pagsasaayos ng mga patay na baboy.

Kinuhanan na ng sample ang mga patay na baboy upang masuri sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory sa Barcenaga upang alamin kung may sakit ang mga ito .

Pagkatapos ma-disinfect ang mga baboy ay ipinag-utos naman kaagad na ilibing ang mga ito. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *