Tuguegarao City isasailalim sa 10 araw na ECQ dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Tuguegarao City isasailalim sa 10 araw na ECQ dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Hihilingin ng provincial government ng Cagayan na maisalalim sa 10 araw na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Tuguegarao City.

Bunsod ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod matapos ang naranasang pagbaha at pagkatapos din ng holiday season.

Ayon kay Cagayan Gov. Manuel Mamba, tumaas ang local transmission partikular ang community transmission sa Cagayan.

Sinabi ni Mamba na maiksing panahon ang 10 araw na ECQ para sa Tuguegarao City pero umaasa silang matutugunan ang pagtaas ng kaso sa pagpapaiiral ng lockdown.

Sa pagpapatupad ng lockdown ay magsasagawa ng mass testing sa mga barangay sa Tuguegarao City.

Tiniyak din ni Mamba na tutulungan ang mga barangay sa pagsu-suplay ng pagkain sa mga residente habang umiiral ang lockdown. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *