Urdaneta by-pass road binuksan na sa mga motorista

Urdaneta by-pass road binuksan na sa mga motorista

Magagamit na ng mga motorista ang Urdaneta Bypass Road sa Pangasinan.

Pinangunahan ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ngayong Lunes, January 18, 2021 ang ceremonial inauguration sa naturang kalsada.

Ayon kay Villar, matutugunan ng Urdaneta ByPass Road ang traffic bottleneck sa Manila North Road sa Urdaneta City.

Ang kalsada ay may habang 7.17 kilometers at tumatawid sa dalawang major road intersections na Urdaneta-Dagupan Road at Urdaneta-Manaoag Provincial Road.

Umabot sa P1.885 Billion ang halaga ng naturang proyekto na makapagpapababa sa travel time sa Villasis town proper patungong Binalonan sa 30 minuto na lamang.

Inaasahan ding aabot sa 38,000 na motorista ang makikinabang sa naturang kalsada kada araw. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *