Binabantayang LPA ng PAGASA maliit pa ang tsansang maging ganap na bagyo
Maliit ang tsansang maging ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Zamboanga City.
Huling namataan ang LPA sa layong 90 kilometers Southeast ng Zamboanga City at nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Sa susunod na 48 oras sinabi ng PAGASA Na maliit ang tsansang mabuo ito bilang isang Tropical Depression.
Samantala, apektado naman ng Tail-End of a Frontal System (Shear Line) ang Southern Luzon.
Dahil sa pinasamang epekto ng LPA, ITCZ at Tail-End of a Frontal System (Shear Line) will makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Caraga, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Eastern Visayas.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Quezon, Palawan, Bicol Region, at nalalabi pang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ang surge ng Northeast Monsoon o Amihan ay magdudulot din ng kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan at eastern Isabela. (D. Cargullo)