Higit pisong pagtaas sa presyo ng gasolina at diesel ipatutupad ng mga kumpanya ng langis
Bad news para sa mga motorista!
May pagtaas na naman sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Tataas ng P1.00 kada litro ang presyo ng gasolina, P1.05 kada litro ang presyo ng diesel, at 95 centavos ang kada litro ng kerosene.
Epektibo ang dagdag presyo bukas (Jan. 19) alas 6:00 ng umaga.
Ang dagdag presyo ay bunsod ng pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo sa pandaiigdigang pamilihan. (D. Cargullo)