Bubble training ng PSC para sa mga national athlete simula na ngayong araw

Bubble training ng PSC para sa mga national athlete simula na ngayong araw

Simula na ngayong araw ang bubble training ng Philippine Sports Commission para samga national athletes.

Unang dumating sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang mga tauhan ng PSC.

Isa-isa na ring nagdatingan ang unang batch ng mga atleta para sa pagsisimula ng Olympic training bubble.

Kabilang sa mga unang sasalang sa pagsasanay ay ang national teams ng Pilipinas sa Basketball, Boxing, Karate at Taekwondo.

Maagang pumasok sa tinawag ng PSC na “Calambubble” sina National boxers Nesthy Petecio, Marjon Pianar at Junmilardo Ogayre.

Ayon kay PSC Commission Ramon Fernandez ang mga atleta ay sasailalim sa face-to-face training.

Ag lahat ng atleta ay kinailangang sumailalim sa RT-PCR tests bago pumasok sa bubble training. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *