34 nasawi sa magnitude 6.2 na lindol sa Indonesia
Niyanig ng malakas na magnitude 6.2 na lindol ang Sulawesi Island ng Indonesia.
sa inisyal na datos ng disaster mitigation agency umabot na sa 34 ang nasawi at mahigit 600 ang nasugatan sa malakas na lindol.
Marami ding gusali ang napinsala bunsod ng pagyanig.
Naitala ang epicenter ng lindol sa six kilometers (3.73 miles) northeast ng Majene City na may lalim na 10 kilometers.
Libu-libong residente din ang lumikas sa kanilang mga tahanan nang maramdaman ang pagyanig. (D. Cargullo)