Maraming lalawigan sa Mindanao nakararanas ng severe thunderstorms; yellow rainfall warning itinaas ng PAGASA
Makararanas ng severe thunderstorms ang maraming mga lalawigan sa Mindanao.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 8:45 ng umaga ngayong Huwebes, January 14, yellow rainfall warning na ang nakataas sa sumusunod na mga lalawigan:
– Misamis Oriental
– Lanao del Norte
– Misamis Occidental
– Dinagat Islands
– Agusan del Norte
– Surigao del Sur
– Surigao del Norte
– Zamboanga del Norte
– Zamboanga City
– Basilan
– Sulu
Ayon sa PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa bulubunduking mga lugar. (D. Cargullo)