Malakanyang tiniyak ang kahandaan ng gobyerno sa pagtaas ng heat index

Malakanyang tiniyak ang kahandaan ng gobyerno sa pagtaas ng heat index

Tiniyak ng Malakanyang ang kahandaan ng gobyerno na tugunan ang epekto ng matinding init sa bansa.

Kasunod ito ng datos mula sa PAGASA hinggil naitalang mataas na heat index sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary and Malacanang Press Officer Atty. Claire Castro, handa ang pamahalaan sa epekto ng matinding init ng panahon lalo na sa epekto nito sa ekonomiya.

“Siyempre po laging handa ang pamahalaan patungkol dito. Kung ito po ay makakaapekto sa ekonomiya natin, tayo ay laging handa tungkol diyan,” ayon kay Castro.

Nauna nang nag-isyu ng paalala ang Department of Health (DOH) sa mga pag-iingat na dapat gawin kapag naranasan ang matinging init ng panahon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *