Mahigit 1,400 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa magdamag; 146 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng 1,453 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nakalipas na magdamag.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) alas 4:00 ng hapon ngayong Miyerkules (Enero 13), umabot na sa 492,700 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa nasabing bilang, 458,523 ang gumaling o katumbas ng 93.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 397 na gumaling.
24,478 naman ang active cases o katumbas ng 5.0 percent.
Habang nakapagtala pa ng dagdag na 146 pang pumanaw sa sakit.
9,699 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.97 percent.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ang mga sumusunod:
Quezon City – 95
Cavite – 66
Manila City – 54
Davao City – 50
Cebu City – 44 (D. Cargullo)