Pamasahe sa LRT-1 tataas simula sa April 2

Pamasahe sa LRT-1 tataas simula sa April 2

Tataas ang singil sa pasahe sa LRT-1 ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC).

Ayon sa LRMC, inaprubahan ng Department of Transportation – Philippines at Railway Regulatory Unit (RRU) ang hirit nilang dagdag pasahe mula sa Abril 2, 2025.

Sa desisyon ng RRU ng DOTr, ang boarding fare sa LRT-1 ay magiging P16.25 na at mayroong distance fare na P1.47 kada kilometro.

Ang bagong minimum na pasahe sa LRT-1 ay magiging P16 at ang maximum naman ay P52 para sa Stored Value Card (SVCs).

Para naman sa Single Journey Tickets (SJTs), ito ay magiging P20 to P55.

Auyon kay LRMC President/CEO Enrico Benipayo, ang LRT-1 ay public at kailangang patuloy na podnohan ang
maintenance, upgrades, at expansion nito.

Sa nakalipas na sampung taon mula nang i-take over ng LRMC ang pag-operate sa railway line, ito ang ikalawang pagkakataon na pinayagan silang makapagtaas ng pasahe. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *